Dumating ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) Huwebes, Hunyo 29, 2017, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista (CPC) ng Tsina, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, upang dumalo sa gaganaping selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagbalik sa inangbayan ng Hong Kong, inagurasyon ng ika-5 pamahalaan ng HKSAR, at maglakbay-suri sa Hong Kong.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na may tatlong layunin ang kanyang biyahe, una, ipaabot ang pagbati sa natamong napakalaking tagumpay ng HKSAR nitong 20 taong nakalipas sapul nang maitatag ito; ikalawa, ipakita ang pagsuporta ng pamahalaang sentral sa HKSAR; ikatlo, pagplanuhan ang hinaharap para maigarantiya ang patuloy na pag-unlad ng HKSAR.
Salin: Li Feng