|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Martes, Hulyo 4, 2017, ni Yury Ushakov, Asistente ng Pangulong Ruso, na mag-uusap sa Biyernes, Hulyo 7, sa kauna-unahang pagkakataon, sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Ayon sa Russian media, kabilang sa tema ng nasabing pag-uusap ay isyu ng Syria, isyu ng Ukraine, pagbibigay-dagok sa pandaigdigang terorismo, at iba pa.
Noong Enero 20, 2017, naupo si Trump bilang pangulong Amerikano. Hanggang sa ngayon, 3 beses nang nag-usap sa telepono sina Putin at Trump.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |