Ipinahayag Lunes, Enero 30, 2017, ni Dmitri Peskov, Press Secretary ng Pangulo ng Rusya na positibong pinapurihan ng Rusya ang pag-uusap sa telepono ng mga lider ng Rusya at Amerika, at umaasang itatakda ang detalye ng pormal na pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Peskov sa news briefing nang araw ring iyon, na konstruktibo at mahalaga ang pag-uusap nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Donald Trump ng Amerika noong ika-28 ng Enero. Ipinahayag nila ang komong hangarin ng paglutas ng mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo, at binigyan-diin din nila ang kahalagahan ng mutuwal na paggagalangan sa relasyon ng dalawang bansa.
Isiniwalat din ni Peskov ang iba pang detalye ng pag-uusap, aniya, narating ang komong palagay nina Putin at Trump hinggil sa paglutas ng krisis ng Ukraine sa lalong madaling panahon. Ipinalalagay nilang dapat tunay na sundin ng iba't ibang panig ang Kasunduan ng Minsk.
salin:Lele