Ipinasiya ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Biyernes, Disyembre 30, 2016 na hindi magpauwi ng mga diplomatang Amerikano na nakatalaga sa bansa.
Ipinatalastas naman Huwebes ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang pagpapataw ng sangsyon laban sa Rusya at pagpapauwi ng 35 diplomatang Amerikano na nakatalaga sa Estados Unidos.
Sinabi ni Putin na ang nasabing di-mapagkaibigang aksyon ni Obama ay taliwas sa interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinadala ni Putin ang mensahe kay President-elect Donald Trump para ipahayag ang pag-asang mapapanumbalik ang relasyong Ruso-Amerikano makaraang manungkulan si Trump.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac