Kinumpirma Martes, Hulyo 4, 2017 ng departamento ng pamahalaan ng Lalawigang Phichit ng Thailand na pagpasok ng Hulyo, 11 katao sa lalawigang ito ang kumpirmadong nahawahan ng Zika virus, at 27 iba pa ang pinaghihinalaang nahawahan din.
Mula noong 2015, tuluy-tuloy na kumakalat ang Zika virus sa mga bansa sa kontinente ng Amerika na gaya ng Brazil. Naiulat din may epidemiya ng Zika sa mga bansa sa Timog-silangang Asya na kinabibilangan ng Singapore, Thailand, Indonesia, Biyetnam, Pilipinas, Malaysia, Maldives at iba pa.
Salin: Vera