|
||||||||
|
||
Hamburg, Germany — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Hulyo 7, 2017, kay British Prime Minister Theresa May, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, lumalalim ang estratehikong pagtitiwalaang Sino-Britaniko, at lumalakas ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa sa ambassadorial level, at kinakaharap ng bilateral na relasyon ang bagong pagkakataon ng pag-unlad. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Britaniko, upang mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan, sabi ni Xi.
Dagdag pa ng pangulong Tsino, ang pagpapatibay ng estratehikong pagtitiwalaan ay nananatiling pundasyon para sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Britaniko. Dapat aniyang igiit ng dalawang panig ang prinsipyo ng paggagalangan sa isa't-isa at pagkakapantay-pantay, at dapat ding aktuwal na igalang ang nukleong kapakanan at mahalagang pagkabahala ng isa't-isa.
Ipinahayag naman ni Theresa May na nagsisikap ang kanyang bansa para mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Aniya, pinahahalagahan ng Britanya ang ginagawang malaking papel ng Tsina sa mga mahahalagang suliraning pandaigdig. Nakahanda ang panig Britaniko na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, kultura, at seguridad, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |