|
||||||||
|
||
Nagsagawa kahapon ng ikalawang round na pag-uusap sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro David Cameron ng Britanya, sa Country Retreat, Chequers, Britanya.
Ipinahayag ni Xi na lubos na matagumpay at mabunga ang kanyang biyahe sa Britanya. Nananalig aniya siya sa pagbubukas ng ginituang panahon ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Xi na lilikha ang Tsina ng mas paborableng kondisyon, mas malawak na pamilihan, at mas maraming pagkakataon, para lumahok ang ibang bansa sa usapin ng pag-unlad ng Tsina. Nakahanda rin aniyang magbigay ng mas malaking ambag ang kanyang bansa sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Cameron, na sa pamamagitan ng kasalukuyang biyahe ni Xi, napataas sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang desisyon ng dalawang bansa hinggil sa pagtatatag ng pandaigdig na komprehensibo at estratehikong partnership sa ika-21 siglo, ay angkop sa interes ng kapwa panig, at may win-win result.
Dagdag pa ni Cameron, nakahanda ang Britanya, na makipagtulungan sa Tsina, para gumawa ng positibong hakbangin hinggil sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon.
Ayon naman sa pinakahuling ulat, pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa London, dumating na sa Manchester ang Pangulong Tsino, para ipagpatuloy ang kanyang biyahe sa Britanya.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |