Sa pag-uusap kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Hulyo 2017, sa Berlin, Alemanya, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Frank-Walter Steinmeier ng Alemanya, nagkaroon sila ng komong palagay hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa sa susunod na yugto.
Positibo si Xi sa pag-unlad ng relasyong Sino-Aleman, at pumasok na aniya ang relasyong ito sa yugtong may estratehikong kooperasyon sa mataas na lebel at komprehensibong aspekto. Ipinahayag din niyang dapat palakasin ng dalawang bansa ang estratehikong pagtitiwalaan, pag-ugnayin ang estratehiyang pangkaunlaran sa iba't ibang aspekto, pasaganain ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at palawakin ang kooperasyong pandaigdig.
Sinabi naman ni Steinmeier, na mabilis ang pag-unlad ng relasyong Aleman-Sino. Mabunga aniya ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at mahigpit ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda aniya ang Alemanya, kasama ng Tsina, na palakasin ang kooperasyon sa mga multilateral na balangkas na gaya ng G20, para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Liu Kai