|
||||||||
|
||
Vientiane, Laos — Isang selebrasyon ang idinaos kamakailan upang ipagdiwang ang ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Laos-China (China-Laos) Cooperation Commission. Dumalo sa aktibidad ang mahigit 200 personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng dalawang bansa na kinabibilangan nina Khemmani Pholsena, Ministro ng Industriya at Kalakalan ng Laos; at Zhao Chenggang, Charge d'affaires ng Embahadang Tsino sa Laos.
Si Khemmani Pholsena, Ministro ng Industriya at Kalakalan ng Laos
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Khemmani Pholsena na nitong 20 taong nakalipas, bunga ng ginagawang positibong papel ng nasabing komisyon, maalwang isinasagawa ang mga mahahalagang proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay nakakapagbigay ng mas maginhawang kapaligirang pampamumuhunan para sa mga negosyante, nakakapagpasulong sa kabuhayan ng dalawang bansa, at nakakapaghatid ng malaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Si Zhao Chenggang, Charge d'affaires ng Embahadang Tsino sa Laos
Ipinahayag naman ni Zhao na nitong 20 taong nakalipas, kapansin-pansin ang natamong bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na lubos na patingkarin kasama ng panig Lao, ang papel ng Laos-China (China-Laos) Cooperation Commission upang ibayo pang mapalalim ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at makapagbigay ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |