|
||||||||
|
||
Ningbo, probinsyang Zhejiang ng Tsina — Ginanap nitong Martes, Hulyo 11 (China Maritime Day), 2017, ang porum tungkol sa okasyong ito. Dumalo rito ang mga personaheng Tsino at dayuhan mula sa iba't-ibang sirkulo upang talakayin ang kooperasyon at pagpapalitang pandaigdig hinggil sa "Belt and Road."
Sa porum, ipinahayag ni He Jianzhong, Pangalawang Ministro ng Komunikasyon at Transportasyon ng Tsina, na sa bagong panahon ng pag-unlad, ang "Belt and Road" Initiative ay nakapagbigay ng bagong paraang pangkooperasyon para sa iba't-ibang bansa sa daigdig. Ito aniya ay nakakuha ng positibong reaksyon at malawakang suporta sa komunidad ng daigdig.
Sinabi rin niya na, ang sea transportation ay mahalagang tulay at garantiya para sa Maritime Silk Road, sa ika-21 siglo. Kasabay ng pagpapalakas ng konstruksyon ng mga imprastruktura sa transportasyon sa dagat, dapat ding palakasin ang konstruksyon ng sistema at regulasyon tungkol sa pag-unlad ng transportasyon sa dagat upang makapagbigay ng magandang kondisyon sa konstruksyon ng "Belt and Road," dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |