GUANGZHOU, Tsina—Nagsimula ng kahapon ng operasyon ng isang cross-border e-commerce platform na naglalayong pasulungin ang kalakalan ng mga bansa at rehiyon, sa kahabaan ng Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo.
Ang nasabing online platform, gdmsr.com, ay bunga ng magkasamang pagsisikap ng Departamento ng Komersyo ng Lalawigang Guangdong at Alibaba Group Holding Ltd.
Ipinahayag ni Yu Wenyong, Pangalawang General Manager ng platapormang ito, na ang website ay nagkakaloob ng one-stop services para sa cross-border trade, sa pamamagitan ng integrasyon ng resources na may kinalaman sa lohistika, serbisyong pinansyal, adwana, foreign exchange transactions, at inspeksyon at kuwarantina sa kalidad.
Ayon sa isang bersyon ng Maritime Silk Road na iminungkahi ni Pangulong Xi sa kanyang pagbisita sa Sentral Asya noong 2013, magmumula ito sa Fuzhou, punong lunsod ng lalawigang Fujian sa timog-silangan ng Tsina, patimog sa teritoryo ng mga bansang ASEAN. Mula naman sa Malacca Strait, tutungo pakanluran ang Maritime Silk Road sa mga bansa sa baybayin ng Indian Ocean. Pagkatapos, uugnay ito sa land-based Silk Road sa Venice sa pamamagitan ng Red Sea at Mediterranean.
Salin: Jade