|
||||||||
|
||
Si Lin Yifu
GUANGZHOU, Tsina—Ipinahayag kahapon ni Lin Yifu, dating punong ekonomista ng World Bank na ang pagtatatag ng Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo ay makakatulong sa modernisasyon ng mga bansa na nasa kahabahan nito.
Winika ito ni Lin sa isang porum na may kinalaman sa pagtatatag ng nasabing silk road.
Idinagdag pa ni Lin na karamihan sa mga bansa na nasa kahabaan ng nasabing silk road ay may masaganang likas na yaman, pero mababa o katamtaman lang ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan. Malaki aniya ang potensyal sa pag-unlad ng nasabing mga bansa.
Ayon sa isang bersyon ng Maritime Silk Road na iminungkahi ni Pangulong Xi sa kanyang pagbisita sa Sentral Asya noong 2013, magmumula ito sa Fuzhou, punong lunsod ng lalawigang Fujian sa timog-silangan ng Tsina, patimog sa teritoryo ng mga bansang ASEAN. Mula naman sa Malacca Strait, tutungo pakanluran ang Maritime Silk Road sa mga bansa sa baybayin ng Indian Ocean. Pagkatapos, uugnay ito sa land-based Silk Road sa Venice sa pamamagitan ng Red Sea at Mediterranean.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |