Singapore, Miyerkules, Hulyo 12, 2017—Idinaos ang pulong hinggil sa pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Guangxi, Tsina at Singapore.
Dumalo sa pulong ang mga personahe ng sirkulong pulitikal at mga bahay-kalakal ng kapuwa panig na kinabibilangan nina Lan Tianli, Pirmihang Pangalawang Tagapangulo ng Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi; at Koh Poh Koon, Minister of State ng Ministry of National Development at Ministry of Trade and Industry.
Nagsagawa ng mapagkaibigang pagpapalitan ang dalawang panig tungkol sa pagpapalalim ng kooperasyong Sino-Singaporean, sa ilalim ng Belt and Road Initiative. Umaasa silang magkasamang mapapasulong ang konstruksyon ng tsanel sa pagitan ng Chongqing, Guangxi at Singapore, para magsilbi itong bagong tulay ng kalakalang panlupa't pandagat ng Belt and Road.
Salin: Vera