Hulyo 17, 2017—Sa kanyang talumpati sa Ika-16 na pulong ng Central Leading Group on Financial and Economic Affairs ng Tsina, sinabi ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na patuloy na pabubutihin ng bansa ang kapaligiran ng pamumuhunan at pamilihan, pabibilisin ang pagbubukas sa labas, pabababain ang gastos sa takbo ng pamilihan, at nang sa gayo'y, makalikha ng matatag, makatarungan at maliwanag na kapaligiran para sa negosyo.
Dumalo rin sa pulong si Li Keqiang, Premyer ng Tsina; Zhang Gaoli, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina; at iba pang mataas na opisyal ng bansa.
salin:Lele