Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina—Binuksan dito Lunes, Hulyo 17, 2017 ang talent workshop ng mga guro ng wikang Tsino at piling talento ng mga samahan sa ibayong dagat. Tatagal ng 15 araw ang nasabing workshop na nilalahukan ng mahigit 30 miyembro mula sa mga bansang ASEAN na gaya ng Thailand, Laos, Biyetnam at iba pa.
Sa seremonya ng pagbubukas ng workshop, isinalaysay ni Chen Jie, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng mga Suliraning ng Overseas at Ethnic Chinese ng Guangxi, na kasabay ng pagsulong ng konstruksyon ng Belt and Road, unti-unting pinahahalagahan ng komunidad ng daigdig ang pag-aaral ng kulturang Tsino, at nagsisilbing pangkagipitan ang pagdaragdag ng mga guro ng wikang Tsino at pagpapataas ng kanilang kakayahan. Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na sumali sa workshop ang mga lider ng samahan ng mga overseas at ethnic Chinese. Layon nitong sanayin ang mas maraming de-kalidad ng guro ng wikang Tsino, at pasulungin ang pagpapalaganap ng kulturang Tsino, dagdag pa ni Chen.
Salin: Vera