|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Idinaos dito Huwebes, Hunyo 22, 2017 ang talakayan hinggil sa kooperasyong industriyal ng Tsina at ASEAN. Nangulo sa talakayan si Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council. Dumalo rito ang mga opisyal na komersyal ng mga pasuguan ng mga bansang ASEAN sa Tsina na kinabibilangan ni Rhenita B. Rodriguez, Minister at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, mga namamahalang tauhan ng mga samahan ng may kinalaman sa industriya ng Tsina, at mga mamamahayag na Tsino't dayuhan.
Si Xu Ningning, Executive President ng China-ASEAN Business Council
Ipinaliwanag sa pulong ang "Joint Statement between ASEAN and China on Production Capacity Cooperation," na pinagtibay sa China-ASEAN Summit noong nagdaang Setyembre. Inanalisa rin ang mga may priyoridad na larangan ng kooperasyong industriyal ng Tsina at ASEAN, at tinalakay ang hinggil sa bagong pag-unlad ng ganitong kooperasyon sa proseso ng konstruksyon ng Maritime Silk Road.
Si Rhenita B. Rodriguez, Minister at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina
Ipinalalagay ng mga kalahok na sa proseso ng pagpapatupad ng kooperasyong industriyal, mahalagang mahalaga ang pagpapalakas ng mekanismo ng kooperasyon sa komprehensibong industriya ng Tsina at ASEAN. Ang pagtatatag ng mekanismong pangkooperasyon ay makakatulong sa pag-uugnayan ng kapuwa panig sa pagpaplano at patakaran ng industriya, makakapagpasulong sa pagsasaayos sa estruktura ng industriya at pag-a-upgrade ng industriya, makakapagpabuti ng estruktura ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, at makakatulong din sa pagsali ng mga bahay-kalakal sa mga pangunahing larangan sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative, lalung lalo na, konstruksyon ng Maritime Silk Road.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |