Huwebes, Hunyo 8, 2017, pinagtibay ng Ika-2 China-ASEAN Justice Forum ang Pahayag ng Nanning. Binigyang-diin ng pahayag na dapat isagawa ng mga hukuman ng Tsina, ASEAN, at mga bansang Timog Asyano ang tuluy-tuloy na pagpapalitan at pagtutulungan; magkasamang kumpletuhin ang mekanismo ng pagresolba ng mga transnasyonal na alitan; itatag ang maayos at may-harmonyang kapaligirang pambatas para sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan sa loob ng rehiyon; at ipagkaloob ang mabisang serbisyo't garantiya ng hudikatura sa konstruksyon ng Belt and Road.
Tinukoy ng pahayag na kasabay ng pagsulong ng Belt and Road Initiative, pahigpit nang pahigpit ang kalakalan at pagpapalagayan ng tauhan sa pagitan ng Tsina, ASEAN at Timog Asya. Walang humpay anitong lumalakas ang pangangailangan sa kooperasyong hudisyal sa isa't isa. Anito pa, isasagawa ng mga kataas-taasang hukuman ng iba't ibang kalahok na bansa ang pagpapalitan sa impormasyong panteknolohiya, upang mapataas ang kakayahan ng hudikatura. Mabisang hahawakan din ang mga kaso at alitan, at igagarantiya ang katarungan ng hudikatura, dagag pa ng pahayag.
Salin: Vera