|
||||||||
|
||
IPINALIWANAG ni Commodore Rex Robles, isa sa mga nagtatag ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabayan na nabuo ang Saligang Batas noong mga huling taon ng dekada otsenta samantalang wala pang terorismo at social media.
Ipinaliwanag ni Commodore Robles na walang nag-akalang susulong ang teknolohiya kaya't walang paghahanda sa propagandang dumaraan sa social media at impormasyong nakapaglilipat-kamay sa loob lamang ng segundo. Mahalagang makatugon ang Martial Law sa mga nagaganap sa kasalukuyan.
Patapos pa lamang ang Cold War noong dekada otsenta samantalang nagsisimula pa lamang yumabong ang information age bago sumapit ang bagong siglo.
Nakakarating umano ang salapi mula sa Raqqa sa Syria patungo sa mga kaalyado nila sa Mindanao. May salapi pa umanong mula sa ISIS na idinaan pa sa Australia.
Marapat lamang umanong magamit din ang teknolohiya upang masugpo ang mga krimeng nagagawa ngayon.
Naniniwala si Commodore Robles na kailangang magkaroon pa ng dagdag na panahon ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |