Sa regular na preskong idinaos kahapon, Martes, ika-18 ng Hulyo 2017, sa Beijing, ipinahayag ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na positibo ang bansa sa pagbibigay kamakailan ng dalawang pangunahing international rating agency, na Moody's at Fitch Ratings ng AAA credit rating sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sinabi ni Lu, na sapul nang itatag ang AIIB, ang mabisang takbo at magandang prospek nito ay lubos na kinikilala ng komunidad ng daigdig. Nananalig aniya siyang ang pagbibigay ng positibong pagtasa ng nasabing mga rating agency sa AIIB ay makakabuti sa mas magandang pagpapatingkad nito ng papel sa pagpapasulong ng konektibidad sa imprastruktura ng mga kasapi.
Salin: Liu Kai