|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon, Hulyo 20, 2017, ni Tagapgsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ginanap sa Beijing ng araw ring iyon, ang seremonya ng pagtatatag ng Asian Financial Cooperation Association (AFCA). Isangdaan at pitong (107) organo mula sa limang kontinente ang kasaping tagapagtatag nito.
Ani Lu, sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Tsina para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga organong pinansiyal sa rehiyong ito. Sa taunang pulong ng Bo'ao Forum for Asia (BFA) noong Marso, 2015, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mungkahi ng pagtatatag ng plataporma ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga organong pinansiyal ng Asya. Pagkatapos nito'y paulit-ulit na iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mungkahi ng pagtatatag ng AFCA. Ipinahayag ni Lu ang kasiyahan ng panig Tsino sa positibong reaksyon at puspusang pagkatig ng mga organong pinansyal sa rehiyon at iba pang rehiyon sa nasabing mungkahi ng lider Tsino.
Dagdag pa ni Lu, umaasa ang panig Tsino na mapapatingkad ng AFCA ang positibong papel sa pangangalaga sa katatagan ng pamilihang pandaigdig sa rehiyon at buong daigdig, at pagpapasulong ng komong kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |