Binuksan Sabado, Hulyo 22, 2017 sa Baltiysk Port ng Rusya ang magkanib na pagsasanay na militar ng tropang pandagat ng Rusya at Tsina.
Ang tema ng nasabing pagsasanay ay magkasanib na pagsaklolo sa dagat at pangangalaga sa kaligtasan ng mga maritime economic activities.
Sa seremonya ng pagbubukas ng pagsasanay, ipinahayag ni Tian Zhong, Pangalawang Commander-in-Chief ng tropang pandagat ng Tsina, na ang kooperasyon ng tropang pandagat ng dalawang bansa ay para pataasin ang kakayahan ng dalawang panig sa paglaban sa terorismo at pagsasagawa ng pangkagipitang panaklolo sa dagat.
Ipinahayag naman ni Aleksandr Fedotenkov, Pangalawang Commander-in-Chief ng tropang pandagat ng Rusya, na nitong ilang taong nakalipas, lumalalim ang pagkaunawaan at kooperasyon ng dalawang panig. Naniniwala aniya siyang ibayo pang pasusulungin ng nasabing pagsasanay ang kooperasyon at pagkakaibigan ng tropang pandagat ng dalawang bansa.