Ayon sa kasunduang nilagdaan kamakailan ng Banque Pour Le Commerce Exterieur Lao Public (BCEL) at Lao-China Securities Company Limited, ang BCEL ang kauna-unahang listed company ng Laos na magsasagawa ng roadshow sa Tsina.
Idaraos ng BCEL ang limang roadshow hinggil sa gaganaping Secondary Public Offering, isa sa mga ito ay nakatakdang idaos sa Shanghai. Umaasa ang BCEL na sa tulong ng mga roadshow, mapapalalim ang kaalaman ng mga mamumuhunang Tsino sa pamilihang Laos.
Ang BCEL ang pinakamalaking bangkong komersyal na ari ng estado sa Laos at binabalak nitong kumolekta ng 360 bilyong kip o mga 43.6 milyong dolyares na pondo.