Kahapon, Biyernes, ika-21 ng Hulyo 2017, sa palasyong pampanguluhan sa Vientiane, Laos, iniharap ni Wang Wentian, Bagong Embahador ng Tsina sa Laos, ang kredensiyal kay Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos.
Ipinahayag ni Boungnang, na nananatiling maganda ang tunguhin ng pag-unlad ng tradisyonal na pagkakaibigan at komprehensibong kooperasyon ng Laos at Tsina. Nananalig aniya siyang, sa loob ng kanyang termino, magbibigay si Embahador Wang ng malaking ambag para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Wang, na sa kasalukuyan, nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang relasyong Sino-Lao. Magsisikap aniya siya, kasama ng panig Lao, para ipatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pasulungin sa bagong antas ang kanilang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership.
Salin: Liu Kai