Sa ika-3 pulong ng China-ASEAN Connectivity Cooperation Committee (CACCC) na idinaos Martes, Hulyo 25, 2017 sa Jakarta, narating ng Tsina at ASEAN ang mga komong palagay hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng interconnectivity ng dalawang panig.
Ipinalalagay ng dalawang panig na malaki ang espasyo ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa balangkas ng "Belt and Road" Initiative at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025.
Tatalakayin ng dalawang panig ang mga aktuwal na proyekto ng kooperasyon sa hinaharap, at pasisiglahin ang mga aktuwal na kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig.
Magkasamang pinanguluhan nina Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Elizabeth P. Buensuceso, Pirmihang Kinatawan ng Pilipinas sa ASEAN at Tagapangulo ng ASEAN Connectivity Coordinating Committee (ACCC), ang nasabing pulong.