Gaganapin sa India, Hulyo 24, 2017, ang Ika-19 na Talastasan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw, Hulyo 20, 2017, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na palagian at buong tatag na kakatigan ng panig Tsino ang nukleong katayuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa nasabing talastasan. Magugunitang naunang iniharap na ng ASEAN ang mungkahi tungkol sa pagtatapos ng RCEP Talks sa loob ng kasalukuyang taon.
Ani Gao, buong sikap na pasusulungin ng panig Tsino ang talastasan upang magkaroon ng isang moderno, komprehensibo, at mataas na lebel na kasunduan sa lalong madaling panahon. Sa panahon ng talastasan, malalimang magsasanggunian ang 16 na panig hinggil sa market access issue, at babalangkasin din nila ang road map para sa pagpapasulong ng susunod na talastasan.
Salin: Li Feng