Nag-usap sa telepono Martes, Hulyo 26, 2017 sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang counterpart na si Retno Marsudi ng Indonesia, para talakayin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa at isyu ng Israel at Palestina.
Kaugnay ng bilateral na relasyon, buong pagkakaisang ipinahayag nila na dapat palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asyano.
Kaugnay ng isyu ng Israel at Palestina, ipinahayag ni Retno Marsudi na umaasa siyang bilang kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng UN Security Council, ibayo pang gaganap ang Tsina ng mahalagang papel sa pagpapahupa ng kasalukuyang tensyon sa pagitan ng Israel at Palestina.
Inulit ni Wang ang paninindigang Tsino sa isyu ng Palestina. Sinabi niyang dapat magtimpi ang mga may kinalamang panig at makalikha ng mga kondisyon para sa pagpapahupa ng tensyon sa pagitan ng naturang dalawang panig at pagpapanumbalik ng diyalogo nila.