Ayon sa ika-2 utos sa taong 2017 na nilagdaan noong Hulyo 20 ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia tungkol sa social organization management, idineklara kahapon ng umaga, Hulyo 19, 2017, ni Yasonna Laoly, Indonesian Justice and Human Rights Minister, ang kapasiyahan ng pamahalaang Indones hinggil sa pagbabawal sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ito ay isang palatandaang pormal na ipinagbawal ang nasabing ekstrimistang organisasyon sa bansang ito.
Ayon kay Coordinating Minister General (Ret.) Wiranto, ang sanhi ng pagbabawal ng pamahalaan ng nasabing organisasyon ay ang mga sumusunod: hindi ipinapatupad ng MILF ang positibong papel sa pag-unlad ng bansa; ang mga isinagawang aksyon nito ay lumabag sa prinsipyo ng pagtatatag ng bansa at konstitusyong nagkabisa noong 1945; ang mga isinagawang aksyon nito ay nagsapanganib sa kaligtasang panlipunan, kaayusang pampubliko, at kabuuan at unipikasyon ng bansa.
Salin: Li Feng