Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na sa epekto ng pagtaas ng sovereign credit rating ng bansa, sa darating na 2 taon, may pag-asang lalaki ng 10 bilyong dolyares ang capital inflow ng Indonesia.
Sinabi ni Widodo na pasisiglahin ng pagtaas ng sovereign credit rating ang pagpasok ng mas maraming kapital, at pabababain nito ang kapital sa pangingilak ng pondo. Aniya, paluluwagin din ng pamahalaan ang limitasyon ng ilang industriya sa mga mamumuhunang dayuhan.
Sa epekto ng pagbaba ng presyo ng mga malalaking paninda, bumaba sa humigit-kumulang 5% ang paglago ng kabuhayan ng Indonesia mula 6% noong ilang taon. Noong 2016, lumaki ng 5.02% ang kabuhayang Indones. Ayon sa pagtaya ng pamahalaan, lalaki ng 5.1% ang kabuhayan ng bansa sa kasalukuyang taon.
Salin: Vera