Natapos Miyerkules, Hulyo 26, 2017 ang proyekto ng pagsasanay ng mga atleta ng Myanmar sa Tsina para pataasin ang record ng mga atleta ng bansang ito sa idaraos na ika-29 South East Asia Games sa Malaysia.
Ang proyektong ito ay kinabibilangan ng pagsasanay ng 264 atleta nang 90 araw sa Tsina, pagpapadala ng 9 na coach sa Myanmar at pagkakaloob ng mga pasilidad ng pagsasanay.
Sa seremonya ng pagtatapos, pinasalamatan ni Soe Paing, Consul General ng Myanmar sa Kunming, ang pagkatig at pagtulong ng Tsina. Umaasa aniya siyang patuloy na isasagawa ang ganitong proyekto.
Bumati rin siya sa mga atleta na nakakuha ng mas magandang record sa darating na paligsahan.