Miyerkules, ika-26 ng Hulyo, 2017, ipinaalam ng Kawanihan ng Paglaban sa Likas na Kapahamakan ng Indonesia na upang mapadali ang koordinasyon sa pagharap sa patuloy na lumalalang kalagayan ng sunog sa kagubatan, ipinatalastas na ng 5 lalawigan sa Sumatra Island at Kalimantan Island ang state of emergency.
Ang nasabing 5 lalawigan ay Riau, Jambi, South Sumatra, West Kalimantan at South Kalimantan.
Ayon sa isang pahayag ng naturang kawanihan, nasa tagtuyot ngayon ang Indonesia, kaya madaling masunog ang mga kakahuyan sa kagubatan, at mabilis na kumalat ang apoy. Ipinakikita ng satellite image na hanggang ika-25 ng buwang ito, lumaki sa 179 ang bilang ng mga fire point sa Sumatra Island at Kalimantan Island, mula 150 noong ika-23 ng Hulyo.
Ipinadala na ng kawanihang ito ang 18 helicopter sa naturang 5 lalawigan para maapula ang sunog. Para sa mga rehiyong may grabeng kalagayan ng sunog sa kagubatan, isasagawa rin ang artificial precipitation.
Salin: Vera