Sa paradang militar na naganap ngayong araw, Hulyo 30, 2017 bilang pagdiriwang sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping na, dapat itatag ang isang malakas na hukbong Tsino upang pangalagaan ang kayapayaan ng bansa at kapakanan ng mga mamamayang Tsino.
Ang nasabing parada ay idinaos sa base ng Zhurihe sa Inner Mongolia. Dumalo rito ang halos 12 libong kawal at opisyal mula sa iba't ibang sangay ng PLA, at ipinadada ang mahigit 600 ground equipment na gaya ng mga missile at tank, at 100 ng iba't ibang uri ng mga eroplanong pandigma. Ang mga ito ay nagpapakita ng pinakahuling antas ng kakayahang militar ng PLA.
Ipinahayag ni Xi na naniniwala siyang may sapat na kakayahan ang hukbong Tsino sa pangangalaga sa pambansang soberanya, katiwasayan, kapakanan at makapagbibigay ng mga bagong ambag para sa pandaigdigang kapayapaan.