Itatatag ng People's Liberation Army of China (PLA) ang isang base sa Djibouti, isang bansa sa Aprika. Ang base ay matatagpuan sa Djibouti-Ville, kabisera ng bansa, at ang pangunahing tungkulin nito ay nagkaloob ng proteksyon sa mga bapor, gawaing pamayapa, makataong misyon sa Aprika at Kanlurang Asya.
Ang pagtatatag ng base ay ayon sa pagsasangguniang pangkaibigan ng mga pamahalaan ng Tsina at Djibouti. Kaugnay nito, idinaos Martes, Hulyo 11, 2017,ang seremonya ng pag-alis ng mga sundalo sa Zhanjiang, Lalawigang Guangdong sa Timog ng Tsina.
salin:lele