|
||||||||
|
||
Lunes, unang araw ng Agosto, 2016 ang ika-89 na Anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA).
Sa respsyon bilang paggunita sa nasabing okasyon, inulit ni Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Tsina ang pananangan sa mapayapang pag-unlad at depensibong polisya ng bansa.
Ipinahayag din niya ang buong-tatag na pagpapatupad ng PLA sa pangangalaga sa soberanya at karapatang pandagat ng Tsina.
Ipinagdiinan din ni Chang na kinakailangan ng mga mamamayang Tsino ang kapayapaan, sa halip na digmaan; at kooperasyon, sa halip na komprontasyon. Ito aniya ang komong hangarin ng sangkatauhan.
Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na patuloy na mag-ambag para pangalagaan ang kapayapaan ng komunidad ng daigdig sa larangan ng misyong pamayapa ng United Nations, paglaban sa terorismo, pagkokomboy sa mga bapor na komersyal ng daigdig, pagliligtas sa mga kapahamakan sa daigdig at iba pa.
Kalahok sa nasabing resepsyon ang mga kinatawan mula sa PLA, mga pasuguang dayuhan, kinatawan ng mga beterano at mga kamag-anakan ng mga pambansang bayani.
Si Defense Minister Chang Wanquan habang nakikipag-usap sa mga foreign military attaches sa resepsyon. (Xu Jingxing / China Daily)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |