Idinaos ngayong araw, Martes, Agosto 1 2017, sa Beijing ang malaking pagtitipun-tipon, bilang pagdiriwang sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA).
Dumalo sa pagtitipun-tipon, at bumigkas ng talumpati si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina, at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.
Binigyang-diin ni Xi, na ang tropang Tsino ay nananatiling matatag na puwersang nangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Sinabi niyang mapagmahal sa kapayapaan ang mga mamamayang Tsino, at hindi isasagawa ang agresyon o ekspansyon, pero mayroon silang kompiyansa na pagtatagumpayan ang lahat ng pananalakay. Aniya, hinding hindi pahihintulutan ng Tsina ang pagkakawatak-watak ng anumang tao, grupo, o partido ng anumang bahagi ng Tsina, sa anumang oras at anumang porma.
Dagdag pa ni Xi, kahit marami ang paraan at pagpili, para pangalagaan ang kapayapaan at katiwasayan, at iwasan ang digmaan, ang paraang militar ay nagiging pinal na garantiya. Nanawagan siya sa tropang Tsino, na buong tatag na ipagtanggol ang soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad ng bansa, at buong tatag na pangalagaan ang kapayapaan ng rehiyon at daigdig.
Salin: Liu Kai