Martes, Agosto 1, 2017--Pinabulaanan sa harap ng Supreme Court ng Thailand ni Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro ng bansa ang lahat ng mga akusasyon sa kanya hinggil sa rice-subsidy program.
Sinabi niyang ang nasabing programa ay isang proyektong pampubliko at hindi proyektong komersyal. Tinukoy niyang dinagdagan ng proyektong ito ang kita ng mga magsasaka at buwis ng pamahalaan.
Tinanggihan naman ng Supreme Court ng Thailand ang kahilingan ni Shinawatra na isumite ang kanyang kaso sa Hukumang Konstitusyonal. Sa ika-25 ng buwang ito, ipapatalastas ng korte suprema ang hatol sa nasabing kaso.