Idinaos Martes, Agosto 1, 2017 sa Beijing ang pulong bilang pagdiriwang sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina. Dumalo sa pulong na ito ang liderato ng Tsina at halos 3000 kinatawan ng iba't ibang sektor ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na upang maisakatuparan ang pag-ahon ng Nasyong Tsino at magandang pamumuhay ng mga mamamayan, dapat itaas ang kakayahan ng hukbong Tsino sa primera-klaseng lebel ng daigdig.
Tinukoy ni Xi na dapat igiit ang prinsipyo ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa hubko.
Binigyang-diin niyang ang pundamental na layunin ng PLA ay paglingkuran ang sambayanang Tsino.
Bukod dito, sinabi niyang dapat pangalagaan ng PLA ang pambansang kapakanan at kapayapaan ng buong daigdig.