|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Donald Trump ng Amerika, binigyang-diin ni Xi, na dapat igalang ng dalawang bansa ang mga nukleong interes at malaking pagkabahala ng isa't isa, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba at sensitibong isyu, at magkasamang pasulungin ang kanilang relasyong pangkabuhayan. Inulit din niya ang pagtutol sa pagdedeploy ng Amerika ng Terminal High Altitude Area Defense system sa Timog Korea.
Ipinahayag naman ni Trump, ang kahandaan ng Amerika, kasama ng Tsina, na palawakin ang diyalogo at kooperasyon sa iba't ibang larangan, at panatilihin ang pag-uugnayan sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, sinabi ni Xi, na ang mga narating na prinsipyo ng Tsina at Hapon sa mga isyu ng kasaysayan at Taiwan, ay mahalaga para sa pundasyong pulitikal ng relasyon ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang igigiit ng Hapon ang naturang mga prinsipyo, at ipapakita sa pamamagitan ng mga aktuwal na patakaran at aksyon, ang kahandaan nitong pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Abe, na hindi nagbabago ang posisyon ng Hapon sa isyu ng Taiwan, na ipinaliwanag sa magkasanib na pahayag nila ng Tsina noong 1972. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Hapon, kasama ng Tsina, na talakayin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Nagtagpo naman, sa kauna-unahang pagkakataon, sina Xi at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa pagpapasulong ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |