|
||||||||
|
||
Ayon sa Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA), bunga ng pagkakalagda ng kasunduan ng malayang kalakalan at pagbuti ng kapaligirang komersyal sa rehiyong ito, ang Biyetnam ang nagsisilbing paboritong destinasyon para sa mga mamumuhunan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa datos ng ERIA, hanggang noong huling dako ng nagdaang taon, umakyat sa 60 bilyong dolyares ang pumasok na pondo sa Biyetnam mula sa mga bansang ASEAN. Halos kalahati ng mga proyektong pampamumuhunan ay may kaugnayan sa manufacturing at processing industry. Ito, anang nasabing instituto ay lubos na nagpapakitang ang Biyetnam ay ang bagong-sibol na manufacturing industry center sa ASEAN.
Batay sa ASEAN Trade in Goods Agreement (ATIGA) na nagkabisa noong Mayo 17, 2010, bago dumating ang taong 2018 ay kakanselahin ng Biyetnam ang lahat ng taripang aangkatin mula sa iba pang bansang kasapi ng ASEAN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |