42 autopilot train, aangkatin ng Malaysia mula sa Tsina
(GMT+08:00) 2017-08-03 11:19:26 CRI
Nilagdaan Miyerkules, Agosto 2, 2017 sa Kuala Lumpur ng Prasarana Malaysia, kompanya ng public transport infrastructure at Zhuzhou Locomotive Co., Ltd ng China Railway Rolling Stock Corporation (CRRC), ang kasunduan ng pagsuplay ng 42 autopilot train para sa Light Rail Transit 3 (LRT3) ng Kuala Lumpur.
Ayon sa pahayag ng panig Tsino, ang 42 driverless train ay gagawin sa Malaysia. Idedeliber ang unang sasakyan sa Malaysia sa Agosto, 2018.