Sa magkasamang pagtataguyod ng Hainan Airlines ng Tsina at Lion Air ng Indonesia, inilunsad ang unang direktang flight sa pagitan ng Sanya, lalawigang Hainan at Jakarta.
Samantala, nilagdaan din kamakailan sa Maynila ng Hainan Airlines at Philippine Airlines (PAL) ang Letter of Intent (LOI) para mapasulong ang pagtutulungan.
Nauna rito, mayroon nang direktang flight sa pagitan ng Sanya at Singapore, Thailand, Malaysia, Vietnam at Cambodia.
Nagpaplano rin ang Hainan Airlines na magbukas ng flight patungong Laos at Myanmar.
Salin: Jade
Pulido: Rhio