Phnom Penh — Ginanap kahapon, Hulyo 27, 2017, ang seremonya ng paglagda sa kasunduan ng sampung (10) proyektong pangkooperasyon ng probinsyang Hainan ng Tsina at Cambodia. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit 250 milyong dolyares.
Ipinahayag ni Lv Yong, Puno ng Departamento ng Komersyo ng Hainan ng Tsina, na mahigpit ang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Cambodia at Hainan. Aniya, ang paglagda sa nasabing kasunduan ay makakapagpatingkad ng positibo at pangmalayuang katuturan para sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa mga kaukulang larangan.
Salin: Li Feng