Nilagdaan kamakailan sa Manila, ng mga ministrong panlabas o kinatawan mula sa Tsina at sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang revised memorandum of understanding (MoU) hinggil sa ASEAN-China Centre (ACC).
Naitatag noong 2009 ang ACC, at nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang isang MoU noong panahong iyon.
Batay sa pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN at kalagayan ng takbo ng ACC, inilakip sa kasalukuyang revised MoU ang mga bagong nilalaman. Nilinaw nitong ang ACC ay organong nagkakaloob ng mga impormasyon hinggil sa Tsina at ASEAN, at nag-oorganisa ng mga aktibidad ng dalawang panig. Anito pa, sa tulong ng pribadong sektor, layon ng ACC na pasulungin ang kooperasyong Sino-ASEAN sa mga aspekto ng kalakalan, pamumuhunan, turismo, edukasyon, kultura, media, at iba pa.
Salin: Liu Kai