Siem Reap, Kambodya-Ipininid Agosto 8, 2017 ang Ika-11 Conference on ASEAN-China People-to-People Friendship, kung saan pinagtibay ang "Siem Reap Declaration."
Ayon sa deklarasyon, ang tema ng Siem Reap Conference ay: "Pagpapahigpit ng Pagpapalitan ng mga Mamamayan at Pagpapasulong ng Mapayapang Kooperasyon."
Ipinahayag ng mga kalahok na sa ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa 2018, nakahanda ang mga may-kinalamang panig na ibayong pahigpitin ang estratehikong konektibidad, palalimin ang pragmatikong pagtutulungan at pasulungin ang people-to-people exchanges, para sa mas mahigpit na komunidad ng kapalarang pansangkatauhan ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag din ng nasabing deklarasyon ang suporta sa pinalakas na ugnayan ng "Belt and Road Initiative" at estratehiyang pangkaunlaran ng mga bansang ASEAN, para palalimin ang kanilang konektibidad at pagtutulungan ng produktibong lakas.