Maynila, Pilipinas—Sa kanilang pulong Linggo, Agosto 6, 2017, ipinahayag ng mga ministrong panlabas ng Tsina at 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kasiyahan sa mga progresong natamo ng dalawang panig nitong 14 na taong nakalipas, sapul nang itatag ang estratehikong partnership noong 2003. Ipinasiya rin nilang iangat pa ang nasabing relasyon sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan, inobasyon, konektibidad, turismo, at iba pa.
Nilagdaan din mga ministrong panlabas ang sinusugang bersyon ng Memorandum of Understanding (MOU) sa Pagtatatag ng ASEAN-China Center (ACC).
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, mainit na tinanggap ng mga ministrong panlabas ang mga positibong bungang natamo ng Tsina at mga may bansang ASEAN na gaya ng pag-apruba sa Balangkas ng Code of Conduct (COC). Inaasahan din nila ang ibayo pang konsultasyon hinggil sa COC, batay sa ganap at epektibong pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Para ibayo pang mapasulong ang relasyong China-ASEAN, ipinahayag ni Wang Yi, kalahok Ministrong Panlabas ng Tsina ang mga mungkahi. Kabilang dito ay pagsasama-sama ng Belt and Road Initiative at Master Plan on ASEAN Connectivity at pagtatakda ng 2018 bilang Taon ng Inobasyon ng dalawang panig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio