Sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na idinaos kahapon, Lunes, ika-14 ng Agosto 2017, sa Kuala Lumpur, Malaysia, ipinahayag ni Najib Tun Razak, Punong Ministrong Malay, na ang tagumpay ng modelong ASEAN ay nagdudulot ng kasaganaan at katatagan sa rehiyong ito.
Binigyang-diin ni Razak ang hangarin ng Malaysia, na itatag ang ASEAN Community na ipauna ang mga tao. Aniya, dapat lumahok ang mga mamamayan ng iba't ibang bansang ASEAN sa integrasyong panrehiyon, at lubos ding makinabang dito.
Dagdag pa ni Razak, iginigiit ng ASEAN ang diwa ng pagkakaibigan, ginagawa ang mga magkakaisang desisyon batay sa pagsasanggunian, kinikilala ang soberanya ng iba't ibang bansa, at hindi nakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa.
Salin: Liu Kai