Sinabi Lunes, Agosto 14, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi makakarating sa paroroonan ang Tsina at Amerika kung may digmaang pangkalakalan ang dalawang bansa.
Ipinahayag ito ni Hua sa regular na preskon bilang tugon sa ulat na pipirma raw nang araw ring iyon si Pangulong Donald Trump sa executive order para pasimulan ang imbestigasyon laban sa Tsina dahil sa di-umano'y pagnanakaw ng teknolohiya at likhang-isip.
Ipinagdiinan ni Hua na ang win-win result ay ang buod ng ugnayang pangkalakalan ng Tsina at Amerika at dapat lutasin ng dalawang bansa ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at pangalagaan ang malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyong pangkabuhayan.
Idinagdag pa ni Hua na laging pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa likhang-isip, batay sa mga batas at alituntunin, binibigyang-dagok ang sinumang lalabag sa batas, at pinapataas ang kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa proteksyon sa kaparatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip. Hiniling ng tagapagsalitang Tsino sa Amerika na obdyektibong tasahin ang natamong progreso ng Tsina hinggil dito at mga natamong bunga hinggil sa inobasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac