|
||||||||
|
||
Sinariwa ni Xi ang pagtatagpo nila ni Trump noong isang buwan sa Hamburg, Alemanya, at sinabi niyang ang pagpapanatili nila ng mahigpit na pag-uugnayan ay mahalaga para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Ani Xi, dapat palakasin ng dalawang bansa ang diyalogo, pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang aspekto, at maayos na hawakan ang mga isyung pinahahalagahan ng isa't isa. Ito aniya ay makakatulong sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa ni Xi, pinahahalagahan ng panig Tsino ang gagawing dalaw-pang-estado ni Trump sa Tsina sa loob ng taong ito, at kailangang isagawa ang lubos na paghahanda para rito.
Ipinahayag naman ni Trump ang kaluguran sa muling pakikipag-usap kay Xi, pagkaraan ng kanilang pagtatagpo sa Hamburg, at sinang-ayunan niyang mahalaga ang mahigpit na pag-uugnayan ng dalawang panig. Ani Trump, maganda ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino, at ibayo pang susulong ang relasyong ito. Ipinahayag din niya ang pananabik sa pagdalaw sa Tsina.
Nagpalitan din ng palagay ang dalawang pangulo hinggil sa kasalukuyang kalagayan sa Korean Peninsula.
Binigyang-diin ni Xi, na may komong interes ang Tsina at Amerika sa pagsasakatuparan ng walang-sandatang-nuklear na Korean Peninsula, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa peninsulang ito. Aniya, sa kasalukuyan, dapat magtimpi ang iba't ibang panig, para hindi lumala ang kalagayan. Sinabi rin niyang dapat igiit ang diyalogo, talastasan, at pulitikal na paraan, para lutasin ang isyu sa Korean Peninsula.
Ipinahayag naman ni Trump ang pag-unawa sa ginaganap na papel ng Tsina sa isyu sa Korean Peninsula.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |