|
||||||||
|
||
Idinaos kamakalawa, Miyerkules, ika-19 ng Hulyo, local time, sa Washington DC, ang unang Komprehensibong Diyalogo ng Tsina at Amerika sa Kabuhayan.
Pinanguluhan ito nina Wang Yang, Pangalawang Premyer ng Tsina, Steven Mnuchin, Secretary of Treasury ng Amerika, at Wilbur Ross, Secretary of Commerce ng Amerika. Lumahok din dito ang mahigit 10 opisyal sa antas na ministeryal ng dalawang bansa.
Nagpalitan ng palagay ang mga kalahok hinggil sa sektor ng serbisyo, short and intermediate-term plan ng kooperasyong pangkabuhayan, pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig, mga patakaran sa makro-ekonomiya, pamumuhunan, kalakalan ng mga high-tech product, kooperasyong pang-agrikultura, at iba pa.
Pinag-usapan din ng dalawang panig ang kanilang pagkakaiba sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, at tinalakay ang hinggil sa time table at roadmap ng paglutas sa mga ito.
Kapwa ipinalalagay ng panig Tsino at Amerikano, na nagtamo ng positibong bunga ang nasabing diyalogo.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |