Kaugnay ng pananalita ng panig militar ng Pilipinas na nagsasabing di-sasakupin ng Tsina ang anumang bagong lugar sa South China Sea (SCS), ipinahayag ngayong araw, Agosto 16, 2017 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na konstente ang paninindigang Tsino sa isyu ng SCS. Dagdag pa niya, may soberanya ang Tsina sa Nansha Islands at mga karagatan sa paligid nito.
Bukod dito, sinabi niyang patuloy na magsisikap ang Tsina para mapayapang lutasin, kasama ng mga kasangkot na bansa, ang mga hidwaan sa isyung ito sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, at patuloy at komprehensibong isasakatuparan, kasama ng mga bansang ASEAN, ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.