Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Japanese "Defense White Paper," buong tinding tinututulan ng Tsina

(GMT+08:00) 2017-08-09 15:32:55       CRI

Si Tagapagsalita Wu Qian ng Ministring Pandepensa ng Tsina

Inilabas kahapon, Agosto 8, 2017, ng Japanese Defense Ministry ang taunang "Defense White Paper" sa 2017. Napapaloob dito ang malaking paninira sa hukbong Tsino at lantarang paglinlang sa komunidad ng daigdig. Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na mahigpit itong tinututulan ng hukbong Tsino, at nagharap na ito ng solemnang representasyon sa panig Hapones.

Sa katuwirang maritime security issue, muling pinalaganap ng nasabing white paper ang umano'y "China Threat" upang makapagbigay ng kondisyon sa isinasagawang ekspansyon ng polisyang pandepensa ng Abe administration.

Ani Wu, di-responsable sinabi ng panig Hapones sa white paper. Ayon dito, tangka ng panig Tsino na baguhin ang status quo batay sa sariling kagustuhan sa East China Sea at South China Sea, bagay na nagdulot ng komong pagkabahala sa rehiyon at buong daigdig. Ngunit sa katotohanan, walang iba kundi ang panig Hapones ang nagtatangkang baguhin ang status quo at magdulot ng pagkabahala sa komunidad ng daigdig. Sinabi ni Wu na alam ng lahat, na binabago ng Hapon ang military security policy nito, at tangka nitong susugan ang Peace Constitution. Puspusan din aniyang pinapalakas ng Hapon ang kagamitang militar, at nagsasagawa ng mga katugong military deployment. Bukod pa riyan, buong sikap ding naghimasok ang Hapon sa mga suliranin ng South China Sea, kahit wala itong direktang kinalaman sa isyu. Ang mga ito, ani Wu ay pagtatangkang baguhin ang status quo at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Sinabi rin ni Wu na muling hinihimok ng panig Tsino ang panig Hapones na pagsisihan ang kasaysayan, igalang ang katotohanan, itigil ang walang-batayang pagbatikos sa Tsina, at itigil ang paglinlang sa komunidad ng daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>